Umabot na sa mahigit 1.8 million o 109.06% ng target adult population ng Quezon City ang maituturing na fully-vaccinated.
Kabilang na rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.
Nasa mahigit 1.9 million residente at workers sa siyuda ang nabakunahan na ng isang dose ng vaccine.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, patuloy rin ang pagbabakuna sa minors with or without comorbidity.
Kasalukuyang 177,254 na bata na ang nabakunahan, habang nasa kabuuan, mahigit 3.9 doses ng bakuna ang naiturok ng QCProtekTODO Vaccination Program.
Hinihikayat rin ni Mayor Belmonte ang QCitizens na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.
Samantala, nasa 98.75% o 177,418 na ang gumaling mula sa #COVID19PH sa Quezon City.
Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), 630 ang kumpirmadong active cases mula sa 179,661 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.
Dumadaan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa DOH para masigurong sila ay residente ng QC.
Maaaring magbago pa ang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil na rin sa isinasagawang community-based testing.