-- Advertisements --

ILOILO CITY – Lubog sa tubig-baha ang nasa 1,000 mga barangay sa Western Visayas kasunod ng malakas na pagbuhos ng ulan dala ng tropical depression Lannie.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Jerry Bionat, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head, sinabi nito na sa bahagi ng Iloilo nakaranas ng baha ang ilang barangay sa bayan ng Zarraga.

Samantala umakyat sa mahigit anim na metro ang lebel ng tubig sa Jalaur River sa Pototan, Iloilo kung kaya’t pinaalalahanan ang publiko na maging mapagmatyag dahil sa posibleng pag-apaw ng tubig.

Pinaaalerto rin ang mga residente sa low-lying areas na tinuturing na catch basin ng tubig baha mula sa mga bundok na mag-doble alerto upang kaagad na makalikas sa ligtas na lugar.