-- Advertisements --

MANILA – Pinagpapaliwanag ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mahigit 1,000 punong barangay sa loob at labas ng Metro Manila dahil umano sa kapalpakan sa pagsunod sa lingguhang clean-up drive para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon kay DILG Usec. Martin Diño, sa kabila ng kanilang direktiba sa mahigit 5,700 barangay sa Metro Manila at kalapit na probinsiya ay maraming matitigas umano ang ulo at ayaw sumunod sa kautusan ng ahensiya at gobyerno.

Base kasi sa direktiba, kinakailangang maglunsad ang mga barangay ng lingguhang paglilinis sa mga coastal area at sa mga dinadaanan ng tubig na sakop ng kanilang barangay kagaya ng mga kanal, estero, at ilog.

Ngunit bigo umanong makakalap ng maayos na report ang DILG sa kasalukuyang estado ng clean-up operation ng ilang barangay dahil hindi naman daw ito nasusunod ng maayos.