-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nilockdown ang tanggapan ng Daewoo Engineering & Construction Company sa Barangay Agcalaga, Calinog, Iloilo matapos nagkahawaan ng COVID-19 ang mga empleyado.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Calinog, Iloilo Mayor Francisco Calvo, sinabi nito na nagsimula ang lockdown ngayon araw at magtatagal hanggang sa Abril 28.
Ayon sa alkalde, nagkahawaan ng COVID-19 ang 27 mga empleyado ng nasabing construction company kung saan isang Korean National ang index case.
Nakatakda namang isailalim sa swab test ang mahigit 1,000 mga close contact ng mga pasyente.