-- Advertisements --

Umabot sa 1,025 na mga baril ang binawi ng PNP Supervisory Office for Security and Investigative Agencies o PNP SOSIA mula sa 96 peivate security agencies sa buong 2018.

Ayon kay PCSupt. Reynaldo Biay, hepe ng PNP SOSIA, na ipinasara ang mga security agency sa bisa ng Cease to Operate bunsod ng iba’t ibang paglabag.

Kabilang sa mga binawi ng PNP ang mga shotgun, revolver, at iba’t ibang kalibreng pistola na nauna nang inisyu sa mga gwardiya ng mga ipinasarang agency.

Nasa 356 na security agency pa ang target na silbihan ng cease to operate order.

Babala ng PNP makakasuhan ng illegal possession of firearms ang mga guwardiyang hindi isinauli ang baril na inisyu sa kanila ng mga ipinasarang security agency.

Sinabi ni Biay, bahagi din ito ng kanilang nagpapatuloy na kampanya laban sa mga loose firearms.