-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Handa na ang Philippine Embassy at Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa seguridad na ibibigay sa meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Filipino community sa Japan sa darating na Mayo 30.

Sa report ni Bombo samurai correspondent Josel Palma, sinabi nitong pinulong kagabi ng embahada at POLO ang marshal na bahagi sa pagbibigay ng seguridad sa pangulo upang mapag-usapan ang contingency plan.

Sa ngayon, hindi pa inaanunsyo kung saan ang venue ng meet and greet ni Duterte sa Pinoy community dahil sa security reasons.

Pero aabot aniya sa 1,300 ang total capacity ng venue kung saan maaaring magpapadala ng 15 participants ang bawat organisasyon.

Ayon kay Palma, mayroong 72 Filipino organizations sa Japan.

Aminado naman si Palma na napakahigpit ng seguridad partikular sa kabisera na Tokyo dahil sa pagbisita ni US President Donald Trump.