-- Advertisements --

gamboa 2

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na karamihan sa mga pulis na nagpositibo sa Covid-19 ay mga asymptomatic.


Ito’y sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Covid-19 positive sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP spokesperson BGen. Bernard Banac, base sa datos nasa 1,162 pulis na Covid-19 positive ang hindi nakakaranas ng anumang sintomas ng nasabing virus.

Dagdag pa ni Banac, nakapagtala ang PNP ng 336 pulis na nakakaranas ng mild symptoms ng Covid-19 habang anim ang mayroong severe symptoms.

Sinabi ng opisyal bukod sa confirmed cases, isinama na sa bilang ang ilang mga probable at suspected cases.

Sa ngayon kaso sumampa na sa 1,335 pulis ang nagpositibo sa nakamamatay na virus kung saan 37 bagong kaso ang naitala.

Sa datos naman ng PNP Health Service nasa kabuuang 565 personnel ang nakarekober sa nakamamatay na virus at nananatili sa siyam ang nasawi..

Nasa 640 ang naitalang probable cases at 1,391 suspected cases.

Una ng sinabi ni PNP chief Gen. Archie Gamboa, karamihan sa mga pulis na nagpositibo sa virus ay yung mga nagmamando ng mga quarantine checkpoints.