-- Advertisements --

standby1

Nasa 1000 pulis ang apektado ng bagyong Rolly, ito ay base sa inisyal na pagtaya ng PNP.

Ayon kay PNP chief gen. CAmilo Cascolan na inaasahan niyang hindi masyadong naapektohan ang mga ito dahil maaga palang ay pinayagan na ang mga pulis na may mga pamilya sa mga lugar na dinaanan ng bagyo na umuwi para asikasuhin ang kanilang mga pamilya.

Sinabi ni Cascolan ang yung mga mga pulis na pinauwi na nasa maayos nang kalagayan ay inaasahan narin aniya nila na magreport sa duty.

Yung mga hindi naman pisikal na makareport sa duty ay kailangan lang mag-report sa pamamagitan ng PDOPA (PNP Daily Online
Personnel Accounting) o sa CTDIGs (Contact Tracing Data Information and Geographical System).

Sinabi ni PNP Chief na nagpadala ng augmentation Force mula sa PRO 7 sa Bicol Region para umalalay sa PRO 5.

Sa ngayon aniya ay nagsasagawa pa ang PNP ng imbentaryo ng mga istasyon ng pulis na nasira sa bagyo pero inaasahan nila na yung mga bagong-tayong istasyon na konkreto ang bubong ay hindi napinsala.

Sa kabilang dako, mananatili muna sa Camp Crame ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) ng PNP, maliban sa 10 miyembro nito na pinapunta ni PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan Sa Albay.

Sa isinagawang inspeksyon ng mga tropa ngayong umaga sa Camp Crame, nalaman ng PNP Chief na ang nasabing 10 miyembro ng RSSF ay may mga pamilya sa Albay, kaya pinayagan niyang umuwi ang mga ito upang asikasuhin ang kanilang mga mahal sa buhay.

Paliwanag ng heneral may sapat na pwersa pa ng mga pulis sa mga lugar na napinsala ng bagyo sa Bicol, Region 4A, 4B kaya hindi pa kailangang magpadala ng tao mula sa NCR.

Sa Bicol aniya na lubhang napinsala ay nagpadala ng ng karagdagang tropa ang PRO 7 bilang pa supporta sa PRO 5.

Ayon kay PRO 7 Regional Director Bgen. Albert Ignatius Ferro, isang daang pulis ang patungo ngayon sa Bicol.

Sinabi naman ni Cascolan na mananatiling naka-reserba ang mga pulis dito sa Maynila para kung sakaling kailanganin sa paparating na panibagong bagyo.