TACLOBAN CITY – Aabot na sa mahigit 1,000 pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Northern Samar dahil sa Bagyong Ursula.
Ito’y matapos na magdeklara ng suspensyon ng biyahe ang Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng panatalan dahil sa nakataas na signal warning sa ilang bahagi ng Eastern Visayas.
Ayon kay Petty Officer 3 Francisco Laporga, Operation Officer ng PCG-Northern Samar, base sa kanilang pinakahuling datus ay umabot na sa 1,325 ang bilang ng mga stranded passengers habang 225 ang mga cargo.
Dagdag pa nito, karamihan sa mga na-stranded ay galing Luzon at Mindanao na uuwi sana sa kani-kanilang probinsya para sa selebrasyon ng Pasko.
Sa ngayon ay nananatili lang muna sa mga pantalan ang mga pasahero habang hinihintay ang pagbalik sa normal ng biyahe sa karagatan.