-- Advertisements --
water cans supply tubig

Patuloy ang reklamo ng mga consumers ng Maynilad na apektado pa rin ng water interruption matapos ang mga dumaang bagyo sa bansa.

Hindi raw kasi sinunod ng Maynilad ang kanilang sariling rotational water schedule na magtatagal lamang ng 12 hanggang 16 oras kada araw.

Ayon sa ilang mga consumers, kailangan daw nila ng lima hanggang anim na oras na mayroong supply ng tubig para sa kanilang paglalaba, paghuhugas at gagamiting panluto ng pagkain.

Nagpaliwanag naman ang Maynilad sa mahigit isang milyong customers o nasa pitong milyong consumers na hindi nila nabibigyan ngayon ng potable water dahil sa putik na galing sa Angat dam.

Nangako naman ang Maynilad na babalik na ang kanilang normal na operasyon sa Nobyembre 24.

Samanatala, ilang residente pa rin ng Bulacan ang nakararanas ng brownout ilang araw matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses.

Ayon sa Meralco, aabot sa 38,826 ng kanilang customers ang wala pa ring kuryente.