-- Advertisements --
DAVAO CITY – Dumating sa lungsod ang kabuuang 1,440,440 doses ng Pfizer BioNTech vaccine dahilan na agad ipinagpatuloy ng lokal na pamahalaan ang covid 19 vaccination program.
Ito ay dagdag sa 51,489 doses sa nasabing brand ng covid 19 vaccine na dumating kaninang umaga sakay sa Philippine Airlines commercial flight.
Base sa datos ng department of health region 11, umabot sa 533,978 na mga tao ang nabakunahan na ng unang dose habang 196,283 rin ang nakatanggap ng second dose.
Samantalang nanawagan ang DOH 11 sa mga residente sa lungsod na hindi pa nabakunahan na huwag maniniwala sa mga maling impormasyon lalo na at ligtas ang covid vaccine at magbibigay ito ng proteksiyon laban sa makakamatay na virus.