-- Advertisements --
Comelec Spokesman James Jimenez

VIGAN CITY – Isinasaayos na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapadala ng mahigit sa isang milyon na marking pens para sa darating na May 13 midterm elections.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Comelec Spokesperson James Jimenez, 12 piraso umano ng marking pens ang ibibigay sa kada clustered precinct.

Wala aniyang nakikitang problema sa mga bagong marker pen dahil sinuri ito nang maigi at napatunayang sumunod sa mga hininging requirements.

Aniya, mas maayos na umano ang mga bagong marking pens kung ikukumpara sa orihinal na marking pen na manipis at hindi agad natutuyo ang tinta sa papel.

Tiniyak naman ni Jimenez na binawi na ang mga orihinal na marking pen na naipadala kasabay ng mga vote counting machine na inilagay sa kustodiya ng elections officers.