-- Advertisements --

Inaasahang nasa 1.5 million na pilgrims ang makikilahok sa World Youth Day sa Lisbon, kapital ng Portugal.

Ang 16th international edition ng naturang Catholic event ay isasagawa mula ngayong Agusto 1 hanggang Agusto 6 sa pangunguna ni Pope Francis.

Sa tala ng Vatican, tinatayang higit 700 na bishops at 20 cardinals ang dadalo sa event, kasama ang 20,000 na volunteers mula sa higit 200 mga bansa.

Nangunguna sa registration ng participants ay ang Spain,Italy, Portugal, France, Poland, at United States of America.

Ayon naman sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, nagpadala ang Pilipinas ng at least 1,500 Filipinos para sa international event.

Ayon kay Bombo Rice Enalao, international correspondent sa Algarve, Portugal, bago pa man ang main event, nakabisita na ang pilgrims sa iba’t ibang dioceses sa bansa.

Nasa 16,000 members naman ng law enforcement at emergency services ang naka-deploy para sa safety ng Santo Papa at ng mga bisita.

Ang World Youth Day ay nagsimula noong 1986 sa pangunguna ni Pope John Paul II at isinasagawa sa bawat tatlong taon.

Huli itong ginanap sa Panama City noong 2019, at na-postpone naman noong 2022 dahil sa coronavirus pandemic.