-- Advertisements --
Nasira ang mahigit 10 bahay, kabilang ang riles ng tren, nang biglaang umangat ang lupa sa Brgy. Matinik, Lopez, Quezon nitong weekend.
Ayon sa dating barangay kagawad na si Juvy Cabildo, nagulat na lamang sila nang maramdaman ang pag-angat ng lupa kahit walang ulan o anumang pagyanig sa lugar.
Kabilang sa nadamay ang isang bagong gawang bahay.
Patuloy na sinisiyasat ang sanhi ng insidente, habang pinaalalahanan ang mga residente na maging alerto sa posibleng dagdag na pinsala o panganib sa lugar.
Maging ang mga tauhan ng Phivolcs ay mag-iimbestiga na rin sa naturang pangyayari.