-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga bayan sa Iloilo na recipients ng Healthy Hearts Program na programa ng Department of Health.

Nanguna sa pag-launch ng Phase III ng naturang programa sina World Health Organization Representative to the Philippines Dr. Rui Paulo de Jesus, Department of Health Regional Director Dr. Adriano Suba-an, at Gov. Arthur Defensor Jr.

Ayon kay Dr. Subaan, expanded na ang programa sa 16 na mga bayan.

Ang mga bayan na ito ay ang Ajuy, Alimodian, Anilao, Badiangan, Banate, Batad, Carles, Concepcion, DueƱas, Janiuay, Lambunao, Lemery, Mina, New Lucena, San Enrique, at Zarraga.

Target ng Healthy Hearts program na ma-capacitate ang barangay health workers na tinuturing na mga grassroots health personnel.

Layunin rin ng expansion ng programa na ma-improve pa ang service detection at control sa non-communicable diseases partikular na sa cardiovascular diseases.

Umaasa naman ang Iloilo Provincial Health Office na malaki ang maitutulong nito sa serbisyo medikal dahil pito sa Top 10 leading causes of deaths sa Iloilo ay non-communicable diseases.