-- Advertisements --

Tatlong matataas na opisyal ng Dawlah Islamiya at walong mga kasapi nito mula sa Maguid na grupo ang kusang nagbalik loob sa pwersa ng gobyerno 1st Mechanized Infantry Brigade Headquarters, Camp Leono, Barangay Kalandagan, Tacurong City.

Ito matapos ang patuloy na panawagan ng mga otoridad na magbalik-loob na sa gobyerno ang mga miyembro ng mga terorista na grupo.

Ang labing isang sumukong rebelde ay iniharap sa Commander ng 1st Mechanized Infantry Brigade na si Brigadier General Andre Santos at Lieutenant Colonel Carlyleo Nagac, ang Commanding Officer ng 5th Special Forces Battalion kasama si South Cotabato Provincial Social Welfare and Development Officer Sonia Bautista.

Ang tatlong matataas na opisyal ng nasabing grupo ay ang sub lider at chief of staff ng military affairs na may alyas Abubakar/Bungos; logistics officer na si alyas Haron; at si alyas Jack bilang kanilang courier.

Bitbit ng 11 na sumuko ang kanilang mga armas na mayroong dalawang (2) 7.62mm M14 rifles; isang (1) cal 50 sniper rifle; dalawang (2) improvised explosive device (IEDs) at isang (1) hand grenade.

Laking pasasalamat naman ni BGen. Oriel Pancog, Commander ng 601st Brigade, Phil. Army na sila ang patuloy na nagpapatibay at nagpapalakas ng focused military operations laban sa mga terorista.

Patuloy rin ang kanilang panawagan sa mga natitirang kasapi ng mga rebeldeng grupo na magbalik-loob na sa gobyerno.