-- Advertisements --

ILOILO CITY- Isa ang kritikal at 11 ang sugatan matapos nagbanggan ang oil tanker truck at isang depampasaherong bus sa Barangay Bahuyan, Barbaza, Antique.

Ang biktima na nasa kritikal na kondisyon ay si Divine Grace Valde, 21, residente ng bayan ng Culasi, Antique.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Broderick Train, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Antique, sinabi nito na umiwas ang oil tanker sa isang butas sa gitna ng daan ngunit hindi nito napansin ang paparating na kung kaya’t nangyari ang banggaan.

Ayon kay Train, hindi naman mabilis ang takbo ng tanker ngunit dahil sa bigat ng karga nito, mabaskog ang nangin impact sang pagbunggu-anay.

Ang kritikal ay sinasabing naputulan ng paa.

Napag-alaman na isang lane lamang ang maaaring madaanan sa lugar dahil sa ginagawang construction.