-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nananatiling palaisipan sa mga residente ng Barangay Banban at Tanag Buenavista, Guimaras ang nangyaring pagkalason ng higit sa sampung mga aso sa kanilang lugar.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jessa Galido, sinabi nito na may iniwan na nakabalot na tinapay sa labas ng kanilang bahay na pinaniniwalaang may lason at nakain ng mga aso.

Wala naman anyang ideya ang mga residente kung sino ang nasa likod ng nasabing panglalason sa mga aso ngunit malaki ang kanilang paniniwala na ginawa ito ng mga magnanakaw.

Nababahala naman ang mga residente sa lugar na baka makain ng mga bata ang tinapay na may lason.