DAVAO CITY – Higit sampung mga residente sa isang barangay sa lungsod ng Jose Abad Santos Davao Occidental ang isinugod sa hospital matapos malason sa kanilang kinain na pagkain na bigay ng isang kongresista sa nasabing lugar.
Base sa report, patuloy pa na inoobserbahan ngayon ng Tomas Lacheca District Hospital ang kalagayan ng mga biktima matapos makaranas ng matinding pananakit ng kanilang tiyan, pagsusuka at pagtatae.
Una ng napag-alaman na bumisita sa barangay Calbay, sa Jose Abad Santos Davao occidental si Congresswoman Lorna Bautista kung saan nagdala ito ng mga pagkain at binigay nito sa mga residente sa lugar.
Ilang oras matapos kumain, nakaranas umano ang mga residente ng pananakit ng tiyan at masamang pakiramdam dahilan na agad isinugod ang mga ito sa hospital.
Iniimbestigahan na rin ngayon ng mga health officials sa nasabing lugar ang insidente.