-- Advertisements --
sokor covid

NAGA CITY – Palaisipan ngayon sa mga eksperto ang mabilis na paglobo ng bilang ng mga nahawaan at namatay sa deadly virus na Coronavirus Disease o COVID-19 sa South Korea.

Nitong umaga lamang nasa pito na umano ang pumanaw na mga pasyente.

Sinasabing panibago na namang 161 na mga kaso ang naitala dahilan para lomobo pa sa 763 ang mga na-infect.

Una rito, tinatayang mahigit 100 katao ang pinaniniwalaang nahawaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 matapos dumalo sa isang Christian sect gathering sa South Korea.

Sa report ni Bombo International Correspondent Sylvia Espinosa, sinabi nitong tila bombang sumabog sa bilis ang pagkalat ngayon ng COVID-19 sa naturang lugar.

nagsimula umano ang pagkalat ng sakit matapos dumalo sa pagtitipon ang isang Koreana na pinaniniwalaang may COVID na hindi nagpatingin sa doktor.

Ayon kay Espinosa, nakipaghalubilo rin ang Koreana sa mga tao sa loob ng isang restaurant sa lugar kung saan ito kumain at namasyal pa sa down town.

Samantala, pumanaw na rin daw ang 41-anyos na kapitbahay ng Koreana na pinaniniwalaang isa rin sa dumalo sa church gathering.

Sa ngayon, “under quarantine” na aniya ang pamilya at ang iba pang taong nakahalubilo ng Koreana sa pagtitipon ng religious group at sa iba pang lugar na pinuntahan nito.

Ang naturang sekta ay tinawag ng iba na “cult-like” na tinaguriang Shincheonji Church of Jesus, the Temple of the Tabernacle of the Testimony.