Inanusyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mahigit sa 100 evacuation centers ang puwedeng gawing exclusive health facility para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, nasa kabuuang 125 evacuation centers ang maaaring i-convert upang makadagdag sa bilang ng mga health facilities sa buong bansa.
Sa naturang bilang, 110 rito ay may kumpleto nang access sa kuryente at tubig, habang inaayos na ang koneksyon sa 15 iba pa.
Sa lungsod ng Butuan ay may evacuation center doon na ginawa na ring exclusive facility para sa mga COVID-19 patients.
Nagsagawa na rin aniya ng joint inspection ang DPWH kasama ang Department of Health sa iba pang mga posibleng location sites, gaya sa San Gabriel, Tuguegarao, Cagayan; San Pablo, Isabela; Mexico at Lubao sa Pampanga; Botolan, Zambales, Talavera, Nueva Ecija; at Tabuk, Kalinga