CAGAYAN DE ORO CITY – Bumuhos ang mahigit 100,000 deboto at pilgrims sa taunang piyesta ng Divine Mercy Shrine ng Ulaliman, El Salvador City, Misamis Oriental.
Ayon kay Pol Lt. Colonel Randy Anito, hepe ng El Salvador-Philippine National Police (PNP), hindi mahulugang karayom ang shrine mula pa noong araw ng Biyernes.
Nasa full-deployment ang PNP katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).
Samantala, inihayag ni CDRRMC-El Salvador City head Teddy Bombeo, na bawat taon ay tumataas ang bilang ng mga indibidwal na dumadayo sa kanilang lungsod dahil sa milagro at pagbabago na umano’y naibigay ng Poong Maykapal sa kanilang buhay.
Hindi lang mga local tourists, subalit maging ang foreign media ay nagkaroon ng kanilang sariling coverage sa pista.
Una rito, sa panayam ng Bombo Radyo kay Kits Adaza, presidente ng Divine Mercy of Mindanao in the Phils Inc., sinabi nitong naging malaking hamon sa kanilang pamilya ang pagpapatayo ng 50 metros na shrine ni Hesukristo.
Aniya, maging ang Simbahang Katolika noon ay hindi makapaniwala sa kanilang sinimulang proyekto sa nasabing lugar.
Sa ngayon, nananatiling generally peaceful ang taunang okasyon.