-- Advertisements --

ILOILO CITY- Daan-daang mga residente ang apektado ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa Iloilo dala ng enhanced Southwest Monsoon.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Ms. Cindy Ferrer, spokesperson ng Office of Civil Defense Region 6, sinabito nitong higit 200 sa mga residente ang naitalang apektado kung saan higit isang daan at dalawampu pa ang nanatili sa evacuation centers at ang iba naman ay pansamantalang naninirahan sa kanilang mga kakilala at pamilya.

Tatlong bahay ang nasira sa Barangay Ma. Clara, Iloilo City Proper dahil sa malakas na hangin; isang bahay ang naiulat na nabagsakan ng kahoy sa Barangay Riza Pala Pala II, Iloilo City Proper; at isang bahay rin ang nabagsakan ng balete tree at pader sa Barangay North San Jose, Molo.

Suspendido rin ngayong Lunes ang face-to-face classes sa lahat ng lebel sa public at private schools sa Iloilo City.

Kanselado rin ang flag ceremony ng Iloilo City Hall at pansamantalang ipagpaliban ang paggamit ng biometrics bilang konsiderasyon sa mga empleyado ng lungsod na apektado ng pagbaha at ulan.

Sa lalawigan ng Iloilo naman, may evacuation efforts na isinagawa sa Leon, habang kanselado naman ang byahe ng mga sa sea vessels sa Bancal, Gigantes, Sicogon and Vice-Versa sa Carles dahil sa gale warning na inilabas ng state weather bureau.

Matandaan na sa Carles rin nangyari ang maritime incident noong nakaraang gabi kung saan isa ang patay dahil sa pagtaob ng motor banca.

Sa ngayon, nanatiling 24/7 ang monitoring ng operations center ng Office of Civil Defense-Western Visayas.