-- Advertisements --

Hindi bababa sa isang daang immigrant ang inaresto ng mga otoridad sa Estados Unidos matapos ang ikinasang operasyon sa isang ilegal na nightclub sa Colorado Springs, Colorado.

Sa isang video na kumalat online mula sa post ng Drug Enforcement Administration, makikita ang dose-dosenang mga tao na tumakas sa gusali sa pamamagitan ng entrance door nito at mga bintana.

Kalunan ay dose-dosenang mga indibidwal ang nilagyan ng posas matapos na maresto.

Una nang ipinag-utos ni US President Donald Trump ang pagpapatupad ng mga polisiya sa immigration partikular na ang paghuli sa mga illegal immigrants sa kanilang bansa.

Samantala, nasa kustodiya na ng U.S. Immigration and Customs Enforcement ang mga imigrante.

Bago ang operasyon ay nagsagawa muna ng intelligence gathering ang mga otoridad matapos ang ulat ng drug trafficking, prostitusyon at mga krimen ng karahasan sa lugar.

Nang isinagawa ang operasyon ay tumambad sa mga otoridad ang mga droga na nasa sahig at mga hindi natukoy na bilang ng mga baril.