-- Advertisements --
Nasunugan ang aabot sa mahigit isang daang pamilya matapos na sumiklab ang apoy sa Floodway, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
Dahil dito, karamihan sa mga biktima ay walang naisalbang gamit at mamamalagi ang mga ito sa evacuation centers.
Matapos ang sunog ay sugatan naman ang isang indibidwal na may ari ng isang bahay at nagtamo ito ng paso sa kanyang kanang balikat.
Ayon sa biktima, sinubukan nito patayin pa ang apoy ng magsimula ito pasado alas-3 ng madaling araw .
Ayon sa BFP, ang sunog ay umabot ng ikalawang alarma.
Sa kabila nito ay walang naitalang nasawi habang patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa pinagmulan ng sunog at kung magkano ang kabuuang halaga ng iniwang danyos.