Iniulat ng Department of Tourism na pumalo sa mahigit isang daang cruise ship ang bumisita sa mga isla ng bansa noong nakaraang taon.
Ito ay kinumpirma mismo ni Tourism Secretary Christina Frasco.
Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na ang mga nasabing cruise ship ay tuimaong sa mga isla na kinabibilangan ng Buhawan, Cebu, Boracay, maging ang 30 discovered island destination sa Pilipinas.
Nilalayon rin ng Department of Tourism na magkaroon ng expansion cruise ship portfolio ang bansa.
Ito ay dahil aabot sa mahigit 7,641 ang mga sikat na isla sa Pilipinas .
Aniya, maraming mga sikat pang isla ang maaaring madiskubre ng mga turista
Samantala, ikinatuwa naman ng kalihim ang naging convergence ang effort ng DOT katuwang ang mga lokal na pamahalaang .
Naging katuwang rin ng DOT ang DPWH para naman sa reconstruction sa Tourism road infrastructure project nito sa buong bansa.
Naglaan na rin ang ahensya ng aabot sa higit ₱15-billion budget para sa pagpapatuloy ng mga proyekto nito na may kinalaman sa pagpapaunlad ng turismo sa bansa para ngayong taon.