-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang magiging adjustment sa presyo ng ilang pangunahing produkto para sa holiday season o tinatawag din bilang “noche buena” items.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, 134 items ang hindi magtataas para sa kanilang retail price.

Ilan sa mga mananatili ang presyo ay ang keso de bola, regular cheese, sandwich spread, mayonnaise, pasta spaghetti, elbow at salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce at creamer.

Sinabi ni Lopez na ilang premium brands lang ang nag-abiso sa kanila na magtataas.

Hinimok ng opisyal ang publiko na tingnan sa kanilang website ang suggested retail price guide, para malaman kung aling mga tindahan ang may overpricing.