-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa mahigit 100 pamilya ang nakaranas ng pagbaha mula sa dalawang mga bayan sa South Cotabato dahil sa sunod-sunod na pagbuhos ng malakas na ulan.

Kabilang sa mga lugar na naging apektado ng baha ay ang mga bayan Banga at Tupi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mr. Joseph Franco, MDRRMO ng Banga, nasa higit 100 na mga kabahayan ang pinasok ng baha mula sa 4 na barangay sa kanilang bayan.

Ayon kay Franco ang nabanggit na mga barangay ay kinabibilangan ng Brgy.Rizal, Poblacion, Barangay Reyes, Cinco at Lamba.

Maliban dito, nasira din ang access road sa Barangay San Vicente, portion ng Barangay Hall sa Lamba at box culvert.

Samantala, nasa halos 30 pamilya naman ang pansamantalang lumikas sa kanilang mga bahay mula sa mga Barangay Cebuano at Bololmala dahil sa baha.
Ayon kay Mr. Emil Sumagaysay, MDRRMO ng Tupi, South Cotabato ang nabanggit na mga pamilya ay nakatira sa gilid ng ilog at dahil sa lakas ng ulan ay umapaw ang tubig at pumasok sa kabahayan ng mga apektadong residente.

Sa katunayan, nasa halos 10 indibidwal ang ni-rescue ng Barangay at MDRRMO dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig-baha.
Halos nasira din ang kabahayan ng nabanngit na mga pamilya at naitala din ang sirang mga daan.

Agad naman na nabigyan ng kaagarang tulong ang mga apektado ng baha habang nagpapatuloy ang damage assessment sa nabanggit nga mga lugar na tinamaan ng kalamidad.