KORONADAL CITY- Inanod ng flash flood ang higit 100 sakong mais sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato dahil sa pag-apaw ng tubig-baha sa dam dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan sa lalawigan.
Ito ang inihayag ni Brgy. Kapitan Jun Sulan ng Barangay Hanoon, Lake Sebu, South Cotabato.
Sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Koronadal, nagkaroon ng pag ulan kahapon ng hapon at dahil doon natangay ng baha ang sako sakong mais ng mga residente.
Ayon kay Barangay Kapitan Sulan, hindi inaasahan ng mga residente na aapaw ang tubig sa dam at magdudulot ng baha kaya’t hindi nila agad nailagay sa mas ligtas na lugar ang kanilang produktong mais.
Ang sako-sakong mais ay ibinilad at nakatakda na sanag ibenta ng mga magsasaka sa lugar ngunit dahil sa inanod ito ng tubig-baha nawala ang kikitain sana ng mga ito.
Maliban sa mga inanod na mais, maraming kabahayan din ang pinasok ng baha kung saan halos nasira din ang gamit ng mga residente.
Matatandaan na naging apektado rin ng tension cracks a t landslides ang nabanggit na lugar kung saan lumikas ang nasa halos 100 pamilya.
Sa ngayon, inaalam pa ang kabuuang pinsala na iniwan ng baha sa kabahayan at produkto ng mga residente sa lugar.