Nasa mahigit 1,000 pulis ang nasa listahan ng Philippine National Police (PNP) na kanilang minomonitor na sangkot sa iligal na droga.
Sa nasabing bilang, 353 dito ang sinibak na sa serbisyo ng PNP kung saan 261 dito ay nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga habang 92 naman ang kumpirmadong sangkot sa illegal drug trade.
Ang nasabing datos ay mula nuong 2016 hanggang 2018.
Sa kabilang dako, pumalo na rin sa 6,401 errant police personnel ang nahaharap sa kasong administratibo kung saan 1,828 na ang sinibak sa serbisyo.
Ayon kay PNP Spokesperson S/Supt. Benigno Durana, nahaharap sa ibat ibang offenses ang mahigit 6,000 pulis na may administrative case.
Ito ay dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa ibat ibang illega activities, grave misconduct, serious neglect of duty, involvement sa mga criminal cases, serious irregularity, malversation, dishonesty and graft and corruption.
Batay sa datos, 3,589 ang ginawaran ng parusang suspension; 362 demoted sa rank; 403 reprimanded; 147 penalized with salary forfeiture; 43 witheld privileges at 29 ang restricted to quarters.