-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aabot na sa 10,133 frontliners sa Davao region ang nabakunahan ng Sinovac at AstraZeneca vaccines mula sa 26,800 na target nito.

Base sa Vaccine statistics ng Department of Health, National Task Force Against Covid-19, at Philippine Information Agency (PIA), na sa kabuuang 53,600 doses ng Sinovac at AstraZeneca vaccines na sa 37.81 percent ang kabilang sa Group A1, o frontline healthcare workers ang nabakunahan.

Kung maalala una na rin na sinabi ni Dr. Ricardo Audan head ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) na sinimulan na rin nila ang pagbakuna sa mga senior citizen na mga health care workers sa ospital.

Sinabi rin ng opisyal na walang na-admit na mga medical frontliners na una ng nabakunahan ng sinovac kahit na ilan sa mga ito ay nakaranas ng kaunting side effect ng bakuna.