Aabot na sa mahigit 10,300 returning overseas Filipino workers (OFWs) ang napauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagpositibo sa COVID-19.
Sa talaan ng Department of Health (DOH) 10,333 OFWs ang nagpositibo sa coronavirus ay land based-migrants at ang natitirang 3,847 ay mga seafarers.
Anim naman na mga OFW ang namatay sa COVID-19 kung saan lima ay mga land-based migrants.
Nasa 9,920 naman na mga OFW ang nakarekober sa deadly virus.
Sinabi ni Executive Director Iric Arribas ng DFA’s Office for Migrant Workers Affairs, nasa 254,785 migrant workers na ang na-repatriate mula sa 80 mga bansa sakay ng 135 ships at 55 chartered flights.
Mahigit 173,000 repatriated Filipinos naman ay land-based migrant workers habang mahigit 81,000 ay mga seafarers.