-- Advertisements --

KORONADAL C ITY- Libo-libong mga poultry animals ang isinailalim sa depopulation sa bayan ng Tantangan, South Cotabato makaraang nagtala ng pinaka-unang kaso ng Avian Influenza o Bird Flu.

Ito ang kinumpirma ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal. Ayon kay Governor Tamayo, ipinaabot sa kanya na nasa anim na mga commercial poultry farms ang apektado sa Barangay Magon ng naturang bayan.

Una rito, isa umano ang nagpositibo sa Avian Influenza kaya’t matapos ang naturang insidente kaagad na nagpatupad ng depopulation sa lugar upang hindi na kumalat pa sa ibang mga barangay ang naturang sakit ng hayop.

Dahil sa pangyayari tinututukan na nsa ngayon ang ilang mga AI tests at umaasang magiging negatibo ang resulta ng mga ito mula sa karatig lugar.

Ngunit, manageable pa rin umano ang sitwasyon at sa katunayan nagpapatuloy ang surveillance at oagbababtay sa mga lumalabas at pumapasok sa barangay.

Dagdag pa ng opisyal, pinag-aaralan na sa ngayon hindi lamang sa LGU-Tantangab ngunti sa buong probinsiya ang mga interventions para sa mga apektado lalo ba at ito lamang ang nakikitang hanap-buhay.

Napakalaking lugi naman ang naitala sa mga apektado dahil tinatayang mahigit sa milyong-piso ang pinsala sa pagsailalim sa depopulation na mga poultry animals gaya ng manok, pato, at iba pa.