Iniulat ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development na pumalo na sa mahigit sampung libong pamilya o katumbas ng mahigit 44k na indibidwal ang apektado ng patuloy na pag-alburoto ng Kanlao Volcano.
Ayon sa ahensya, nananatili pa rin sa mga evacuation centers ang aabot sa 4,000 pamilya o katumbas ng 15,000 indibidwal.
Kaugnay nito ay pumapalo naman sa mahigit 600 na pamilya ang pansamantalang nakikituloy ngayon sa kanilang mga kapamilya.
Batay sa datos ng DSWD, sumampa na sa P27 milyon ang humanitarian assistance na naipamahagi ng ahensya sa mga residenteng apektado.
Nasa kabuuang 18,881 FFPs ang naihatid ng DSWD sa mga pamilya mula sa Western Visayas at Central Visayas.
Maliban dito ay namigay rin sila ng modular tents, family kits, kitchen kits, sleeping kits at iba pang tulong sa mga residente.