Umabot na sa mahigpit 114,000 na lupain ang matagumpay na naipamahagi ng Department of Agrarian Reform sa kanilang mga napiling benepisyaryong magsasaka.
Ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III , mataas ang naging percentage rate ng kanilang land distribution mula noong nakalipas na taon hanggang sa kasalukuyan.
Ginawa ng kalihim ang pahayag sa ginanap na budget deliberation ng DAR para sa kanilang budget sa susunod na taon.
Ito ay nagkakahalaga ng abot sa mahigit P11.1 bilyong piso para sa kanilang mga proyekto at programa.
Mula sa naturang bilang ng lupa, nakinabang dito ang 113,914 na Agrarian Reform Beneficiaries ng ahensya.
Ipinagmalaki rin ng kalihim na mas mataas ito kumpara sa nakalipas na administrasyon sa parehong panahon.
Samantala, binigyang diin ng DAR ang malaking papel ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Land Registration Authority (LRA) para sa pagpapabilis ng proseso ng pag aayos ng mga land title.