-- Advertisements --

Aabot sa mahigit 15,000 na mga Pilipino ang naitatalang namamatay taon-taon dahil sa pag-inom ng alak, paninigarilyo at pag vavape.

Ang datos na ito ay batay sa pinakahuling pag-aaral na isinagawa ng Institute for Health Metrics and Evaluation’s Global Burden.

Paliwanag ni Philippine Medical Association President Dr. Hector Santos, lumalabas na ang pag-inom ng alak ang nangungunang dahilan ng mga naitatalang non-communicable diseases .

Kinabibilangan ito ng mga aksidente sa kalsada, domestic violence at iba pang mga nakakasamang epekto.

Natuklasan rin sa isinagawang pag-aaral ang ilang substances na nagiging sanhi ng pagdami ng disabilities at nagbabawas sa pagiging produktibo.

Giit ni Santos na kailangan nang kumilos ng Department of Health at magpatupad ng mahigpit na public health policies para mapigilan ng tumataas na bilang ng mga namamatay na Pilipino dahil sa mga nasabing produkto.