Umabot na sa kabuuang 11,127 ang kabuuang bilang ng mga pasahero na pabalik ng Maynila ang naitala ng Philippine Coast Guard na dumating sa Batangas Port.
Ang naturang datos ay naitala ng ahensya hanggang kaninang alas 12 ng hatinggabi matapos ang naging pagdiriwang ng kabuuan ng Holiday Season.
Karamihan sa mga pasaherong ito ay nagmula pa sa Calapan Port sa Oriental Mindoro at Abra de Ilog Port sa Occidental Mindoro pabalik ng Maynila.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa heightened alert status ang lahat ng District at Substation ng Philippine Coast Guard sa buong bansa.
Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero at seguridad sa mga pantalan.
Kaugnay nito ay umabot naman sa 36,123 outbound passengers ang naitala ng ahensya habang nasa 36,560 ang mga inbound passengers sa buong bansa.