Aabot sa mahigit 12,000 na mga hindi rehistradong sasakyan ang nahuli ng Land Transportation Office sa buong buwan ng Hulyo.
Ito ay resulta ng patuloy na pagpapatupad ng ahensya ng “No Registration, No Travel” policy laban sa mga kolorum na sasakyan sa bansa.
Ayon kay LTO chief, Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II , aabot sa 1,521 na apprehended vehicles at naisyuhan ng traffic violation tickets habang 1,531 ang na-impound.
Batay sa record ng LTO, karamihan sa mga nahuli ay mga motorsiklo na may 7,459; sinundan ito ng mga tricycle na may 1,936; pribadong van na may 1478; pampublikong van na may 23; mga trak na may 355; Mga SUV na may 95; mga pampublikong jeepney na may 69; at mga pampublikong bus na may walo.
Nangunguna pa rin ang LTO Calabarzon sa may pinakamaraming bilang ng mga unregistered vehicle na nahuling sasakyan na umabot sa 5,204 kaso, kung saan 403 sasakyan ang na impound.
Samantala, nagsagawa ng intensive anti colorum drive ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakahuli ng 223 sasakyan, kung saan 176 ang kasunod na impounded.
Bilang tugon sa mga alalahanin, inatasan ni Mendoza ang lahat ng LTO Regional Directors na mag utos ng court order para sa pagpapalabas ng mga sasakyang na impounded sa anti colorum drive.