Pumapalo pa rin sa mahigit 125,000 na mga kabahayan ang wala pa ring suplay ng kuryente matapos na manalasa ang super typhoon Carina sa bansa.
Ayon sa Meralco, karamihan sa mga natukoy na apektado ay ang Metro Manila at lalawigan ng Bulacan.
Wala ring kuryente ang ilang mga kabahayan mula sa Rizal, Cavite, Laguna, at lalawigan ng Batangas.
Sa isang pahayag, sinabi ni Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga na walang patid ang kanilang ginagawang pagsisikap ng sa gayon ay maibalik kaagad ang kanilang serbisyo sa mga nabanggit na lugar.
Pinasasalamatan rin nito ang lahat ng kanilang mga customer dahil sa kanilang ibinibigay na pag-unawa at pasensya.
Siniguro naman ng kumpanya na mananatiling prayoridad ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan na nasa field at tuloy- tuloy na trabaho para maibalik 100% ang kanilang serbisyo.