Kinumpirma ng Supreme Court (SC) na aabot sa 12,186 law graduates ang nag-apply para kumuha ng 2024 Bar examinations.
Ang nasabing pagsusulit at nakatakdang ganapin sa Setyembre 8, 11, at 15 ngayong taon.
Ayon kay Associate Justice at 2024 Bar chairperson Mario Lopez, nagbayad ang mga aplikante ng P12,800 application fee.
Sinabi ni nito na ang mga listahan ng unconditionally approved, conditionally approved, at denied applicants ay ilalabas by batch.
Pinayuhan din ang mga aplikante na regular na suriin ang kani-kanilang Bar Applicant Registration Information System at Tech Assistance o BARISTA account para malaman ang status ng kanilang aplikasyon.
Sinabi ni Lopez na tinatapos na ng high court ang listahan ng mga local testing center sa mga lungsod ng Maynila, Muntinlupa, Pasay, Quezon, Taguig, Baguio, Naga, Cebu, Iloilo, Tacloban, Cagayan de Oro at Davao.
Kung maaalala, noong nakalipas na taon ay pumalo sa 10,387 applicants ang kumuha ng bar exams.