-- Advertisements --

Inanunsyo ng pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 na magsasagawa sila ng job fair na kung saan aabot sa 12k job vacancies ang naghihintay sa mga indibidwal na gusto magtrabaho.

Ayon sa ahensya, gaganapin ang naturang event kasabay ng paggunita ng Araw ng mga Manggagawa sa Mayo 1 ng kasalukuyang taon.

Hinikayat din nito ang mga job seekers na makilahok sa gaganaping job fair.

Aabot sa anim na malalaking job fair ang gaganapin sa rehiyon sa darating na Mayo 1.

Kabilang sa pagdarausan nito ay ang PNP Grandstand, Camp Diego Silang, San Fernando City, La Union; sa isang mall sa San Nicolas, Ilocos Norte; Provincial Farmers Livelihood Development Center, Vigan City, Ilocos Sur; Pangasinan PESO, Capitol Complex, Lingayen, Pangasinan; sa isang mall sa Dagupan City at sa isa pang mall sa Urdaneta City, Pangasinan.

Paliwanag ng DOLE-Region 1, mas magiging mainam kung ang mga lalahok na job seekers ay mag pre-register na bago mag tungo sa mga lugar.

Layon nitong maging maayos at smooth ang proseso ng kanilang paghahanap ng trabaho.

Maaari namang magpa rehistro gamit ang link sa FB Page ng DOLE-Region 1