Hinihikayat ng Commission on Higher Education ang incoming freshment students na i-avail ang Merit Scholarship Program para sa Academic Year 2023-2024.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay CHED Chairman J. Prospero de Vera III, sinabi nito na may 13,455 na slots sa ilalim ng Merit Scholarship Program na isang government-funded scholarship para sa academically talented students o mga mag-aaral na may matataas na grado.
Prayoridad rin ng gobyerno ayon kay de Vera ang nasa special groups kagaya ng underprivileged and homeless citizens; Persons with Disability; at Solo parents and/or their dependents.
Ayon pa kay de Vera, bukas ang scholarship para sa mga mag-aaral na sa CHED-recognized priority programs sa private higher education institutions o sa state universities and colleges at local universities and colleges sa bansa.