Nasa mahigit 13 million na ang kabuuang Covid-19 vaccine ang na-administer sa buong bansa kung saan mahigit 9.6 million ang naturukan ng kanilang first doses at nasa 3.5 million naman ang naka kumpleto na ng kanilang dalawang doses ayon sa National TaSk Force Covid-19.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galves, ang kabuuang doses na naadminister sa 19th week ng national vaccination ay umabot sa mahigit 1.4 million doses.
Kaya hinimok naman ni Galvez ang publiko, lalo na ang mga senior citizen na magbakuna, para tuluyan natin labanan ang mga nagsilabasang mga variant ng Covid-19.
Paalala naman ni Galvez kahit ang isang indibidwal ay bakunado na o hindi pa dapat striktong sundin pa rin ang minimum public health standards para maiwasan na ma infect ng Covid-19 virus.