Nasa 131 na mga loose firearms ang isinuko sa probinsiya ng North Cotabato partikular sa bayan ng M’lang sa ilalim ng Balik Baril program ng pamahalaan.
Ayon kay 6th ID spokesperson Capt. Arvin Encinas nasa kabuuang 131 na mga hindi lisensiyadong mga high at low powered firearms ang isinuko ni M’lang Mayor Russel Abonado.
Ang turn over ng mga isinukong loose firearms ay ginanap sa municipal gymnasium sa nasabing bayan.
Ang mga nasabing armas ay tinanggap ni 602nd Brigade Commander Col. Alfredo V. Rosario at 7th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Ciriaco A. Lomas-e Jr.
Nabatid na ang mga isinukong loose firearms ay nakulekta mula sa 37 barangays sa nasabing bayan.
Kabilang sa mga isinukuong baril ay ang 5 caliber 22 pistol revolvers, 5 caliber pistol, 1 caliber 9mm pistol, 11 caliber 38 pistol revolver, 3 caliber 357 pistol revolver, 2 caliber 9mm Uzi, 4 caliber 45 submachine gun, 77 homemade 12-gauge shotgun, 10 M79 rifles, 5 rocket-propelled grenades, 4 carbines, 7 caliber 30 mussel, 2 caliber 30 Garrand rifles, at 1 Ultimax.
Ayon kay 6th Infantry Division Commander, BGen. Cirilito Sobejana ang pagsuko ng mga nasabing loose fireams ay maituturing na breakthrough sa probinsiya ng North Cotabato.
Pinuri naman ni Sobejana ang mga opisyal ng M’lang dahil sa pangunguna nito sa Balik-Baril program ng pamahalan.
“The initiative of the local government chief and the barangay captains to convince their constituents to surrender their loose firearms voluntarily is commendable as it contributes in making North Cotabato loose firearm-free,†pahayag ni Sobejana.
Batay sa datos ng 6th Infantry Division, ngayon 2018 nasa kabuuang 1,605 firearms na ang isinuko at narekober ng Joint task Force Central.