Inanunsyo na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang 1,307 mula sa 2,619 na nakapasa sa Medical Technologist Licensure Examination.
Ang nasabing pagsusulit ay ibinigay ng Board of Medical Technology na idinaos sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Rosales, San Fernando, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga ngayong January 2022.
Nanguna sa Medical Technologist Licensure Examination si Kyle Patrick Rivera Magistrado mula University of Santo Tomas (UST) na nakakuha ng 90.40 na rating.
Mula rin sa UST ang pumangalawa na si Natalie Cu na mayroong 89.30 rating, pangatlo ay taga-Southwestern University na si Elaine Dagondon na may 88.70, sunod si Marjo Escalon ng DMMC Institute of Health Sciences, INC na may 88.50.
Narito ang listahan ng mga nakapasok sa Top 10:
Samantala, pagdedesisyunan pa ng PRC ang petsa kung kailan at saan isasagawa ang oathtaking ceremony ng mga bagong medical technologist.