Mahigit 14,000 na mga paaralan sa buong bansa ang handa nang magsimula na ring magpatupad ng limited face-to-face classes sa harap ng COVID-19 pandemic, ayon kay Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Malcom Garma.
Sinabi ni Garma ang bilang na ito ay base na rin sa resulta ng kanilang isinagawang assessment hanggang noong nakaraang linggo.
Ayon sa DepEd, mayoong humigit kumulang 47,000 na mga pampublikong paaralan at 12,000 namang private schools sa bansa.
Iginiit ni Garma na para makapapatupad ng face-to-face classes, kailangan munang makakuha ng approval ng mga paaralan mula sa kanilang local government.
Hindi rin naman inaalis ang option para sa mga magulang na manatiling nasa distant learning ang kanilang mga anak.
Sinabi ng opisyal na hindi naman required para sa mga mag-aaral na sasali sa face-to-face classes ang pagkakaroon ng bakuna kontra COVID-19.
Sa ngayon, nasa 89 percent naman ng mga guro ang bakunado na kontra COVID-19.