DAVAO CITY – Sinunog ng PDEA-11 kasama ang iba pang mga law enforcement agencies ang mahigit P14 million na halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga.
Inihayag ni PDEA-11 assistant regional director Mario Ramos, isinagawa nila ang pag-sira ng naturang mga iligal na droga sa Police Regional Office XI Ground, Camp Quintin M Merecido, Buhangin, Davao City.
Dagdag pa ni Morales, layunin nito na tuluyang mawala ang pagduda ng publiko na mayroong nagaganap pag-recycle ng mga nakumpiskang iligal na droga sa kanilang tanggapan, at ito ay batay na rin sa paggunita ng Drug Abuse Prevention and Control Week 2020 na may tema ngayong taon na “Better Knowledge for Better Care.”
Kabuuang 716.3511 grams ng shabu; 27,793.1224 grams ng marijuana; 16.1075 grams ng cocaine hydrochloride at 9 tablets o 4.9639 grams ng NMPsEph ang sinunog ng mga otoridad na kabuuang street value na P14,173,010.938.
Samantala, pinuri naman ng PDEA 11 at ng Police Regional Office-11 ang walang tigil na suporta ng local government unit, Philippine National Police, at iba pang law enforcement agencies, media at ng komunidad sa pakikipaglaban kontra iligal na droga.