Labing-isang katao na ang namamatay sa Thailand habang mahigit 14,000 naman ang nagkasakit dahil sa dengue fever outbreak na nararanasan ngayon ng nasabing bansa.
Ayon kay Dr. Suwanchai Wattanayingjaroenchai, director-general ng Department of Disease Control, simula Enero 1 hanggang Mayo 25 ay nakapagtala na ang bansa ng 14,126 kaso ng dengue. Katumbas ito ng 21.28% kada 100,000 populasyon.
Sanhi umano ng tag-ulan sa nasabing bansa ang biglang pagtaas ng kaso ng may dengue sa nasabing bansa.
Mahigit 1,000 residente sa Nakhon Ratchasima ang nakararanas ng mataas na lagnat habang dalawa na ang namamatay.
Dagdag pa ni Suwanchai na kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang DDC sa Nakhon Ratchasima’s Public Health Office para mag-spray ng insecticide sa bawat komunidad para hindi na lalo pang kumalat ang sakit.
Pinakamalalang naapektuhan sa naturang outbreak ang probinsya ng Rayong na may 73 cases, Chaiyaphun (58.13), Khon Kaen (53.83), Mae Hong Son (37.87) and Nakhon Ratchasima (36.92).