Nasa 14,096 na pamilya o katumbas ng 71,322 na indibidwal ang apektado sa patuloy na pag-iral ng masamang lagay ng panahon sa bansa dahil sa habagat.
Sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lumikas ang mga residente dahil sa matinding pagbaha na maaaring magdulot ng landslide.
Ilan sa mga inilikas na residente ay nananatili sa mga evacuation center, habang ang iba ay naninirahan muna sa kanilang mga kamag-anak.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng aabot sa 81 bahay na tuluyang nasira, habang 15 bahay naman ang bahagyang nasira dahil sa habagat.
Sa ngayon nasa P1,418,400 na halaga ng tulong ang naipamahagi ng Department of Social and Welfare Development at Local Government Units sa mga pamilya na apektado ng habagat.