Magtatalaga ng higit sa 140,000 na kapulisan ang Philippine National Police (PNP) sa mismong araw ng halalan na gaganapin sa Mayo 12 ngayong taon.
Ayon kay Directorate for Police Community Relations Director Maj. Gen. Roderick Alba , ang mga idedeploy na kapulisan ay itatalaga sa higit 37,528 na mga voting centers sa buong bansa.
Ayon kay Alba, pokus ng kanilang hanay na magbigay ng sapat na seguridad at proteksyon sa publiko para mapigilan ang kahit ano mang karahasan na maaaring may kaugnayan sa eleksyon. Layon din ng deployment na ito na mas palakasin ang presensya ng kapulisan lalo na at ilang araw na lang bagao ang mismong halalan.
Kasama sa mga inisyatibong ito ng PNP ay ang patuloy na pakikipagugnayan sa mga iba pang ahensya para sa mas malakas na pwersa sa darating na botohan.
Kaugnay nito ay nakatutok na rin ang hanay ng pulisya sa political rivalry sa bahagi ng Bangsomoro Atonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kung saan nasa kabuuang bilang na 63 na ang mga naitatalang active groups.
Samantala, inumpishan na rin ang paghahatid ng mga election paraphernalia sa ibat ibang bahagi ng bansa kung saan mahigpit ring nakatutok ang PNP para maging katuwang ng Commission on Elections (Comelec) sa ligtas na paghahatid ng mga ito sa mga voting centers.
Nagpadala na rin ang PNP ng 7,943 na kapulisan bilang karagdagang seguridad sa higit 3,000 board of election inspector na itatalaga sa bahagi ng BARMM mula sa bilang na ito, 3,774 ang itatalaga sa buong Bangsomoro area na ito.